Free Joomla Templates by Web Hosting
Members Login
Upcoming events
There are no events at this time
Members Online
None
Home News PAPURI SA IKA-3 ANIBERSARYO NG REBAP MRCI

PAPURI SA IKA-3 ANIBERSARYO NG REBAP MRCI

Ni CRB Francisco C. Geronimo

REBL NO.20131

3rd Foundation Anniversary picture or REBAP MRCI

Maraming salamat po sa mga dumalo

don sa Barrio Fiesta  sa ami’y nakigulo

sa pagdiwang ng ikatlong anibersaryo

sa pangunguna ni Pangulong Malou Llado.

 

Nandoon din si Chairman Emelita Bugay.

ang suot po niyang damit ay bagay na bagay

sa temang Barrio Fiesta, muling nabubuhay

ang kulturang sinauna , pinay na pinay.

 

Pagpasok mo palang, nakaharang na agad

si CRB Letty kamay ay nakalahad

tatlong daan piso  na siya mong pambayad

kinakailangang sa kanya ay iladlad.

 

Ang timon ng bangka , ay si CRB Celia

ang abang lingkod po nyo ang sumisegunda

sa takbo ng gabi at ng mga programa

masaya ang lahat at puspos ng ligaya.

 

Dumating din po ang secretary General

at Pangulong Duterte, ng Rebap nasyonal

CRB Roselyn Cortes Ng Rebap Rizal

Jess Birosel at Choleng kasamang  dumatal

 

At ng humahataw na po ang tropang singkil

Ang lahat ay namangha parang nanggigigil

Pati na si attorney di na  napapigil

Na kuhanan ng video ang kaniyang giliw

 

Lahat ay naghandog ng kanyang nakayanan

Leila, Jing, Joe at Leo pilit ding sumabay

Sagisag ng itik na noon ay nawalay

Nagbalik sa poder ng Rebap MRCI

 

At ng umindak na si CRB Purita

Tinikling daw na bersyong pang edad sisenta

Di ko na po napigil ang aking pagtawa

Purita salamat ikaw ay  bidang bida

 

Maraming salamat ka Romy Alcantara

Kasama po si Leila na kanyang esposa

Sa ningning ng gabi akin din pong nakita

CRB Ben Escano at kanyang Diyosa

 

Muchas Gracias Cesar , Senyor Jay Bonifacio

Kay Wency at Manny aking mga idolo

Cora Uy, Miles at Au gabi ay nakompleto

Sa pagdiriwang ng ating anibersaryo

 

Sa tula ko’y naghatid ako ng papuri

Sa kundiman ni Joseph kayo’y nagkudyapi

Sa saliw ng awitin tayo’y naging hapi

Inehele ng awit, sa lalim ng gabi.

 

Mabuhay! Mabuhay!, MRCI kong kasi

Nawa ay dumami pa, ang kawal mo’t lipi

Ang pagkakaisa ay laging mamalagi

Ng lalong sumagana ang aming pagani

 

Hayaan mong iluklok ko sa isang pedestal

Ang lahat ng miyembro sampu ng opisyal

Na sadyamg kumilos , naghanda sa pagdatal

Nang Anibersaryo ng Rebap MRCI

 

Last Updated ( Thursday, 06 May 2010 22:55 )